Monday, October 19, 2009

Right to be Trusted

Eto ang third right. Mejo late kasi may mga nangyari sa kin na wala sa schedule. n_n

You have the right to be trusted
until you give people reason to believe
you are not worthy of their trust.

Minsan, umaabot ng ilang taon para sa dalawang tao na pagtiwalaan ang isa’t-isa. At may mga tao naman na hindi na talaga nagtiwala, kahit sa kapareha nila.

Kung magtitiwala ka lang sa mga taong gumagawa ng ikakasaya mo, wala kang mapagkakatiwalaan.
Pag pinagkatiwalaan mo ang lahat, tanga ka.
Pag nagtiwala ka ng masyadong maaga, malamang takot ka lang ma-reject.
Pag nagtiwala ka ng masyadong mababaw, maaari kang maloko.
Pag nagtiwala ka ng masyadong huli, baka hindi mo na malaman ang totoong pag-ibig.
Karapatan mo na hindi pagdudahan ng kapareha mo ang mga sinasabi mo. Na hindi kinakailangang imbestigahan ka pa, ipagtanong sa mga kakilala kung totoo nga ang mga binitawan mong salita.
Trust is a living feeling.
It grows with a relationship.
It is fragile.
Very easily broken
And often irreparable.

-------------Dr. David Viscott, How To Live With Another Person
Hindi ibig sabihin ng pagtitiwala ay itatapon mo na lahat ng pag-iingat. Kailangan mo pa rin pangalagaan ang sarili mo.
May malaking chance na abusuhin ka ng taong pinagkakatiwalaan mo. At minsan, may mga dahilan para ka magduda. The possibility na ikaw ay maloloko ang nakakapagpatunay sa pagtitiwala. That in spite of possible reasons to doubt, you choose to believe, you risked trusting.

Trusting entails a lot of risk. And if you’re not ready to risk, you’re not ready to love.
To trust each other is to be vulnerable in the same way.

No comments:

Post a Comment